Lunes, Pebrero 18, 2013

Banghay Aralin: Rebolusyong Pampulitika sa Pransiya at Amerika

BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Rebolusyong Pampulitika sa Pransiya at Amerika
Pamamarati
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Grado
 Ika-walo
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
·                     Matalakay ang rebolusyong pangkaisipan at panlipunan sa Europa at Amerika.
·                     Maipaghambing and dahilan at epektong naidulot sa pulitika at lipunan ng Rebolusyon sa  Amerika at Pransiya.
·                     Makilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbabagong pampulitika at panlipunan sa Amerika at Pransiya.
·                     Maiugnay ang mga pagpapahalagang itinuro ng Rebolusyong pangkaisipan sa pagpapatalsik sa lumang rehimen sa Amerika at Pransya.
·                     Masuri ang naging epekto ng Rebolusyon sa Amerika at Pransiya sa pagtataguyod ng liberalism at nasyonalismo ng mga nasyon-estado sa mundo.
Pagsusuri
·                     Pag-oobserba sa pagsusuri ng may kaukulang gabay
·                     Pagpapasagot ng Paunang Pagsusulit
·                     Pagtatanong ayon sa tinalakay na paksa
Paghahanda
Kagamitan/ Sangunian
·                     Pisara at yeso
·                     Kards na naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa paksa
·                     Kagamitang biswal
·                     Mga larawan may relasyon sa paksa
·                     Mapa ng Buong mundo
Dahilan ng pag-gamit nito ay: Upang maunawaan ng lubusan ang mga paksa at mga aralin na tatalakayin at upang mas maunawaan ng husto ang bawat pangyayari.
Paghahandang Mag-aaral
·         Ang mga mag-aaral ay magdadala mapa ng daigdig upang maipakita ang lawak ng nasakop ng mga bansang Amerika at Pransya.
·         Marapat lamang na magkaroon ng maagang pag-alam ang mga mag-aaral sa paksa upang magkaroon sila ng iba’t ibang ideya na mailalahad sa klase.
Paghahandang ng Guro
·         Masidhing pag-aaral ng paksang ilalahad sa pagtuturo
·         Pagsasanay sa paglalahad ng tamang istorya at pangyayari sa klase
·         Paggawa ng mga malikhaing kagamitang biswal upang makuha ang interes ng mga mag-aaral.
Pamamaraan
Gawaing Mag-aaral
·                     Sa bawat aralin, may mga pares ng mag-aaral ang bibigyan ng kard.  Ang mga kard na ito ay naglalaman ng mga teksto patungkol sa paksa.  Ilan sa mga kard na ito ay naglalaman ng tamang impormasyon at mayroon din namang mali.
·                     Ang bawat pares ay bibigyan ng pagkakataon upang magtulungan at makapag-isip kung ang mga teksto sa kard ay  tama o mali (sa pamamagitan ng mga indibidwal na maaaring tutulong o manggugulo lamang sa kanilang isipan).  Marapat lamang na pag-isipan nila ang kanilang mga kasagutan upang hindi sila maparusahan.
·                     Sa bawat kasagutan, maaari nilang ilahad ang kanilang dahilan kung bakit tama, o bakit mali ang isinagot nila.
·                     Kung nakakuha sila ng tamang sagot magkakaroon sila premyo.  Kung mali naman kanilang naibigay na kasagutan ay  bubunot sila sa isang lalagyan ng nauukol na parusa na kanilang isasagawa.
Gawaing Guro 
·                     Paglalahad ng maiksing introdaksyon patungkol sa tatalakaying paksa, upang mabigyan ng idea ang bawat mag-aaral na maari nilang magamit para sa kanilang gagawing aktibidad.
·                     Pagpapasagawa ng aktibidad.  Pagbunot ng mga representante at pagpapares-pares ng mga ito.
·                     Pagbibigay ng direksyon sa mga mag-aaral patungko sa kung anu-ano ba ang dapat nilang gawin sa naturang aktibidad.
·                     Paggabay sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyong makatulong sa kanilang pagdedesisyon kung ang tekstong nilalaman ng kanilang kard ay tama o mali.
·                     Pagsagot sa mga katanungan nga mga estudyante upang lubos nilang maintindihan ang paksa
·                     Pagtatanong patungkol sa paksa o aralin upan malaman kung naintindihaan ba tlaga ng mga mag-aaral ang paksang itinuro, tulad ng mga sumusunod:
  ü  Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan para sa kalayaan ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ng panahong iyon?
  ü  Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo ng kalayaan ang paggamit ng dahas at pakikipaglaban? Bakit?

  ü  Paanong naging inspirasyon ng Rebolusyong 1896 na pinangunahan ng Katipunan sa Pilipinas ang Rebolusyong Pranses?

  ü  Kung ikaw ay isang Pranses sa panahon ng Rebolusyon sa Pransiya, ano ang posible mong gawin:
    1. Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong       tatag na republika
    2. Maging tagapagtanngol ng mga maharlika at nasa Simbahan
  3. Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari sa kapaligiran

Inihanda Nina:

        JUDY ANN PAIGMA
LAXMIBEN REMI TENORIO
              (Mga Guro)

Iniwasto ni:

SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento